Pribilehiyo nating Manalangin kay Jehova


 


GAWING PRIYORIDAD SA BUHAY MO ANG PANANALANGIN

19. Ano ang tutulong sa atin na maging handa sa araw ng paghatol ni Jehova?

19 Dapat na maging priyoridad sa buhay natin ang pananalangin habang papalapit tayo sa araw ng paghatol ni Jehova. Tungkol diyan, sinabi ni Jesus: “Manatili kayong gisíng, na nagsusumamo sa lahat ng panahon para makaligtas kayo mula sa lahat ng ito na kailangang maganap.” (Luc. 21:36) Oo, tutulungan tayo ng laging pananalangin na manatiling gisíng sa espirituwal at maging handa sa pagdating ng araw ng paghatol ng Diyos.

20. Paano magiging gaya ng mabangong insenso ang mga panalangin natin?

20 Ano ang natutuhan natin? Talagang pinapahalagahan natin ang pribilehiyong manalangin. Dapat na maging pangunahin sa mga panalangin natin ang mga bagay na may kinalaman sa layunin ni Jehova. Nagpapasalamat din tayo dahil sa Anak ng Diyos at sa pamamahala ng Kaharian. Ipinapanalangin din natin ang mga kapatid. At siyempre, puwede rin nating ipanalangin ang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan natin. Kapag pinag-iisipan nating mabuti ang mga sasabihin natin sa panalangin, ipinapakita natin na pinapahalagahan natin ang napakagandang pribilehiyong ito. Ang mga salita natin ay magiging gaya ng mabangong insenso kay Jehova na “kalugod-lugod sa kaniya.”​—Kaw. 15:8.

Comments