CONTENTS:
Ang mga Katangian ni JehovaJehova ang Iyong Ngalan
Ikaw ang Aming Pag-asa at Lakas
Jehova, Aming Lakas
Mga Nilikha—Pumupuri sa Diyos
x-----------------x
Awit 1: Ang mga Katangian ni Jehova
1. Diyos na Jehova, Kata’s-taasan.
Laan mo’y buhay at kaliwanagan.
Likha mo’y patunay ng ’yong lakas;
Langit at lupa’y walang wakas.
2. Ang katarungan, nasa ’yong trono.
Aming nalaman, mat’wid na utos mo.
’Yong Salita ’pag aming binasa,
Karunungan mo’y makikita.
3. Ang pag-ibig mo’y lalong dakila!
Mga kaloob mo’y kamangha-mangha.
Ihahayag nang may kagalakan
Katangian mo at pangalan.
x---------------------------------------------x
BackAwit 2: Jehova ang Iyong Ngalan
1. Buháy at tunay ka—
Ang Maylikha sa amin
At ang tanging Diyos namin—
Jehova, ngalan mo.
Isang karangalan
Tawagin na ’yong bayan.
Ihahayag saanman,
Kal’walhatian mo.
(KORO)
Jehova, Jehova,
Walang Diyos gaya mo.
Ikaw lang ang Diyos sa langit
At sa buong mundo.
Diyos kang Kataas-taasan,
Dapat malaman ’to.
Jehova, Jehova,
Walang Diyos liban sa iyo.
2. Pinangyayari mo
Ang anumang naisin
Nang matupad din namin
Ang kalooban mo.
Kami ay ’yong Saksi,
’Pinangalan mo sa ’min.
At karangalan namin
Dalhin ang ngalan mo.
(KORO)
Jehova, Jehova,
Walang Diyos gaya mo.
Ikaw lang ang Diyos sa langit
At sa buong mundo.
Diyos kang Kataas-taasan,
Dapat malaman ’to.
Jehova, Jehova,
Walang Diyos liban sa iyo.
x---------------------------------------------x
BackAwit 3: Ikaw ang Aming Pag-asa at Lakas
1. O Jehova, sa ’mi’y ’binigay
pag-asang kay ganda.
Sa mundo’y nais sabihin,
dapat ibalita.
Ngunit sa buhay naming ito,
may pangamba’t takot din.
At itong pag-asa namin
ay parang nagdilim.
(KORO)
Ikaw ang aming pag-asa
at lakas.
Ang kulang nami’y pinunan.
Sa pangangaral ay
may lakas-loob
dahil ikaw ang sandigan.
2. O Ama, kami’y ’yong tulungan
na ’di malimutan,
Sa harap ng suliranin,
ika’y laging nandiyan.
Napatitibay kami nito,
ang lakas natatamo,
Nabubuhay ang pag-asa
sa ’ming mga puso.
(KORO)
Ikaw ang aming pag-asa
at lakas.
Ang kulang nami’y pinunan.
Sa pangangaral ay
may lakas-loob
dahil ikaw ang sandigan.
x---------------------------------------------x
BackAwit 7: Jehova, Aming Lakas
1. O Diyos na Jehova, aming lakas;
Ang tangi naming Tagapagligtas.
Nangangaral kami bilang Saksi,
Tao ma’y tumanggap o tumanggi.
(KORO)
Diyos na Jehova, aming kanlungan,
Ihahayag ang ’yong pangalan.
Dakila ka sa kapangyarihan,
Laan mo ay lakas at sanggalang.
2. Liwanag ay iyong pinasikat.
Katotohanan sa ’mi’y suminag.
Ang Salita mo ay natutuhan;
Maninindigan sa ’yong Kaharian.
(KORO)
Diyos na Jehova, aming kanlungan,
Ihahayag ang ’yong pangalan.
Dakila ka sa kapangyarihan,
Laan mo ay lakas at sanggalang.
3. Kagalakang gawin ang nais mo,
Sumalansang man sa ’min ang Diyablo.
Buhay ma’y mapaslang, tulungan mo,
Manghawakan sa Soberanya mo.
(KORO)
Diyos na Jehova, aming kanlungan,
Ihahayag ang ’yong pangalan.
Dakila ka sa kapangyarihan,
Laan mo ay lakas at sanggalang.
x---------------------------------------------x
BackAwit 11: Mga Nilikha—Pumupuri sa Diyos
1. O Jehova, ang ’yong mga gawa,
Araw-araw nilul’walhati ka.
Mga likha, wala mang salita,
Papuri’y inihahayag nila.
Mga likha, wala mang salita,
Papuri’y inihahayag nila.
2. Pagkatakot sa ’yo ang simula
Karunungan sa salita’t gawa.
Mahalaga sa ’min ang utos mo—
Kayamanang higit pa sa ginto.
Mahalaga sa ’min ang utos mo—
Kayamanang higit pa sa ginto.
3. Buhay nami’y naging mahalaga
Mula nang aming makilala ka.
Pinakadakilang pribilehiyo,
Pabanalin namin ang ngalan mo.
Pinakadakilang pribilehiyo,
Pabanalin namin ang ngalan mo.
x---------------------------------------------x
Comments
Post a Comment